KABANATA 5
Nagising siyang nakadarama nang napakabigat sa kanyang katawan. Sobrang bigat ng kanyang pakirandam. Pinilit niyang magbangon mula sa kanyang kinahihigaan, ngunit para ba siyang hinihila ng kama, upang hindi siya makabangon. "Anong nangyayari sa akin?" Napalinga-linga siya sa kanyang paligid. Nakita niyang naroon na pala siya sa kanyang silid. Maya maya ay naramdaman niya ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng isang tao.
"Polina, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Aling Martha na nakitang nakamulat na ang kanyang mga mata.
"A-ayos lang po ako Manang Martha, a-ano pong nangyari sa akin?"
"Hindi mo ba alam? Bigla ka na lang daw hinimatay doon sa library, habang may mga pinapakuha sayo si Sir Hyulle. Nagulat nga kami kasi malakas ka pa bago ka magtungo roon," paliwanag pa ni Aling Martha. Siya naman ay napaisip. Alam niyang may ginawa ang lalaking amo nila upang mawalan siya ng malay. Kung ano at paano ay hindi niya rin matukoy.
"Iha, sabi ni Sir Hyulle, magpahinga ka na raw muna, siya na raw ang bahalang magpalipat ng schedule mo sa pang umaga," sambit ng matanda na ikinagulat naman niya.
"Ho? P-paano niya po iyon gagawin?" Medyo napabangon siya, habang nagtatanong kay Aling Martha.
"Edi siya na ang magpa-file ng request, hindi naman impossible kay Sir Hyulle iyon, isa siyang Professor sa University na pinapasukan mo," sambit pa ng matanda.
"Po! S-sigurado po kayo Aling Martha?"
"Oo naman, hindi mo ba alam na ang Elgrande rin ang isa sa mga may-ari ng pangpribadong unibersidad na iyon, swerte ka nga at nakapasok ka roon," sabi pa nito sabay lakad nang paalis matapos ilapag ang tray na may lamang isang hiwa ng Karne at gatas sa lamesa niya.
Tumayo siya pagkalabas nito at tila gutom na gutom siyang lumapit sa amoy ng karneng nasa lamesa. Nagtataka siya kung bakit tila ba sarap na sarap siya sa karneng iyon. Nang Bigla niyang maalala ang mahigpit na bilin ng kanyang ina. "Polina huwag na huwag kang kakain ng anumang uri ng karne, manok lang ang pwede at gulay ang kakainin mo. O kung kaya mo huwag kang kumain ng kahit na anong hayop."
Nang maalala niya iyon ay nabitiwan niya ang karne, nahulog iyon sa sahig at siya naman ay napaluhod." Ano bang ginagawa ko? Ba't ko kinakain ang bawal? Bakit parang ang sarap nito?" Napasin niyang tumulo ang laway niya at parang naninigas ang panga niya. Hindi niya iyon maibuka ng bahagya. Hanggang sa napahawak siya sa kanyang leeg dahil bigla ring nakadama, na parang hindi siya makahinga.
"Anong nangyayari sa akin? Dahil kaya ito sa pagbabagong anyo ko? Nagiging isang wolf na ba talaga ako?" Isang malaking katanungan ang dumaratal sa kanyang isipan. Nagulat siya ng Bigla na lang may lumapit sa kanya at isinubo ang isang malaking tipak ng karne.
"Kumain ka, hindi mo pwedeng pigilan ang gutom mo," mahinang sambit nito sa kanya. Hindi niya kaagad nakilala dahil sa nanlalabo ang kanyang paningin. Binuhat siya nito at inihigang pasandal sa kama. Tapos ay inabot ang isang baso ng gatas sa kanya. Nang mainom niya iyon at maubos ay unti-unting luminaw ang paningin niya at agad na niya itong nakilala.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"S-sir Hyulle? Bakit ka narito?" taka niyang tanong.
"Bakit hindi mo itinuloy ang pagkain ng karne?"
"Ipinagbawal sa akin ng aking Ina na kumain ako niyan, kahit na anong uri ng karne hindi pwede," sambit niya habang nakayuko. Hindi niya alam kung bakit ngunit nakadarama siya ng matinding kahihiyan kay Hyulle. "Kaya ka pala nahihirapan, at kaya pala hindi maramdaman ang kapangyarihan mo, matalinong kaparaaanan ang ginawa ng iyong Ina," napangisi si Hyulle ng lihim.
"Anong ibig mong sabihin? Ano bang nalalaman mo sa pagkatao ko?"
"Iyong mga libro basahin mo, para marami kang malaman, libong taon na ang nakararaan ang pamilya namin ang naatasang maging tagapangalaga ng mga taong Wolf o Werewolf kung tawagin. Kaya alam ko ang pagpapalit anyo mo. Una palang kitang nakita alam ko na, na may kakaiba sa iyo," paliwanag ni Hyulle. Ngunit sa mga sinasabi nito ay may nadarama pa siyang kakaiba. Hindi niya lang alam kung ano. Kaya siguro hindi niya nababasa ang laman ng isip nito. "Mahina ka, kaya ka nasasaktan sa pagpapalit mo ng anyo, at isa pa, hindi mo pa ito magagawang kontrolin, sa tuwing makakakita ka ng liwanag ng bilog na buwan maari kang magpalit anyo at hindi mo mapipigilan. Kaya kita pinipigilang umalis ng gabi.
"Kung ipagpapatuloy mong hindi kumain ng karne ng hayop, aabot ka sa puntong kakain ka ng karne ng tao, at magiging halimaw."noveldrama
Sa sinabing iyon ng binata ay napatingin siya rito. Isang tingin na nagtatanong, nagtatanong kung paanong mapipigilan ang bagay na iyon. Sa mga tingin niya ay nabasa nito ang kanyang iniisip. "Kumain ka ng karne ng hayop, at magpalakas ka, sa ganoong paraan mapipigilan mo ang mga bagay na sinasabi ko."
"Sino ka ba? Isa ka bang tao lang na nangangalaga ng tulad namin? O isa kang ring tulad ko?"
"Kung iniisip mong isa akong kalaban, magpalakas ka, kung kakalabanin mo ako matatalo ka lang, lalo na kung ganyan ka kahina," sambit nito at saka tumalikod na palayo.
Nang makalabas na ito nakita niyan ang isang bandehadong karne na iniwan nito sa lamesang nasa tabi ng kanyang kama. Mabilis niya iyong nilantakan. Dahil sa totoo lang ay gutom na gutom na siya. Hindi niya alam kung bakit ngunit iyon ang isang katotoohan sa lahat ng mga sinabi ni Hyulle. Ayaw niyang maging isang halimaw na magagawang kumain ng mga tao. Dahil isa rin siyang tao.
Matapos kumain ay napagtuunan na niya ng pansin ang mga aklat na kanina ay iniaabot sa kanya ni Hyulle. Binasa niya iyon. Ang nakapagtataka, na sa kanyang pagbabasa ay tila nabubuhay na mga pangyayari ang nilalaman ng aklat sa kanyang isipan. Doon niya naunawaan, ang tungkol sa mga mahihiwagang nilalang na pinagmulan. Nalaman niya rin na may mga werewolf na puro ang dugo, hindi sila nag-aanyong tao dahil may dugong tao sila kundi kaya nilang gawin iyon. dahil sa kanilang malakas na kapangyarihan. Ang mga purong werewolf ay kumakain lamang ng mga hayop na mas mahina sa kanila. Hindi kailanman kumain ng mga tao. Nagulat siya sa isa sa mga katotohanang nabasa niya patungkol sa mga gaya niyang may lahing tao. O ang mga half breed na tulad niya. Ito iyong mga klase ng werewolf na nagiging halimaw, kapag hindi nasanay sa karne ng hayop. Kapag hindi na nakuntento ay naghahanap ng karne at dugo galing sa tao. Na siyang pinaniniwalaang makapagbibigay ng ibayong lakas at kapangyarihan.
Nabasa niya na may dalawang lahi ng Werewolf iyon ay ang mga puti at itim na werewolf. At dalawang lahing ito ay magkalaban. Hinanap niyang pilit sa mga aklat ang mga taong kagaya ni Hyulle, mga nangangalaga sa mga werewolf. May kapangyarihan ba ang mga ito para gawin iyon? Anong mga kakayahan at kapangyarihan ang meron ang mga ito para magawa iyon? Mga katanungang nais niyang mabigyang kasagutan.