Respectfully Yours

Chapter 46



Chapter 46

Anikka

Sabik na sabik ako habang gumagayak. Paanong hindi, my bestfriend is back! Nagbalik na muli si Eris.

Matagal-tagal na kaming hindi nagkita since tumuntong kami ng college, dahil nakakuha siya ng

scholarship noon sa isang fashion school sa New York. Matagal tagal na rin kaming walang

communication, kay miss na miss ko na yung kaibigan ko na iyon. Sa kanilang tatlo ni Nicole at Yen,

siya ang pinakabestfriend ko dahil na rin siya ang pinakamatagal kong nakasama.

I was first year highschool when I met her...

It was our first day of being a high school student. Maraming exited, halos lahat sila except for me.

Ayaw ko pa kasi lumayas sa pagiging elementary student, kasi mostly when high school dapat ay

dalaga na. Ayoko pa nun, gusto ko pang maglaro-laro diyan sa labas.Saka magiging classmate ko uli

ang mga hukluban kong classmate noong elementary. One of the owner of this school ay si Lolo,

"Guys, you may introduce your----"

Napatigil magsalita yung teacher namin dahil may kumatok na estudyante sa labas.

"Ma'am sorry I'm late." Sabi ng hingal na hingal na babae na mula sa pagtakbo. Napatingin ako sa

kanya, she's wearing a very thick glasses saka brace at gulo gulo ang buhok ng babae. Halatang

nagmamadali, nagbulung-bulungan naman ang mga kaklase ko sa likod na siyang kinairita ko.

Pinapasok na siya nung teacher namin at pinaupo sa vacant seat sa tabi ko. Nginitian ko naman siya

at ginantihan din niya ako ng isang ngiti, pero umiwas din siya sa akin, para bang nahihiya. Maya-maya

ay nag-umpisa na ang introduce yourself. Ayaw na ayaw ko iyon, dahil payabangan na naman ang

mga tao dito, kahit wala naman silang iyayabang.

"I'm Anikka Celyne Fuentes." Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa upuan ko, wala naman akong

dapat sabihin pa. Introduce yourself lang naman diba, wala nang yung ano-anong chaka pa tulad ng

ginagawa ng iba ko pang kaklase.

"Yun lang?" Sabi ng bruhildang feeling mayaman na nasa likuran ko. Tss.. Mas mayaman naman kami

sa kanila

"Oo yun lang." Mataray kong sabi. Tss..hindi naman na kailangan na ipangalandakan ko pa sa kanila

na ang lolo ko ang isa sa may ari ng school na ito.

Maya maya ay bumaling yung teacher

"What is your name hija."

"Erisha Magdayo. Eris for short" Sabi niya, agad naman akong nakarinig ng bulung-bulungan sa likuran

ko.

"Yuck pangit naman ng name niya Erisha, yuck!"

"Oo nga, tapos madayo? Pang poor na apilyedo iyon diba?

"Pwede ba, magsitahimik kayo! Parang kaygaganda ng pangalan niyo ah. Constancia Valeriana?

Victorina? Medussa?" Sabi ko, agad namang natahimik ang tatlo, yung makapagsalita ay para diyosa

sa ganda yung pangalan nila, pang lola na nga ang mga pangalan nila, halos ka-level nila yung name

ng lola ko ah, Consumicion. Saka mas maganda pa ang Erisha na name unique! Hindi pang matanda.

Saka kung ano naman kung magdayo surname na sinsabi nilang pangpoor, ano naman? Kaysa naman

pang-mayaman yung apelyido mo mahirap ka naman. Tulad ng mga bruhildang sa likuran ko. Binigyan

ko sila ng matinding irap dahil sa sobrang irita ko sa kanila, subukan nila akong kalabanin, talsik sila sa

school na ito. Tss..

Recess na namin noon nahuli akong lumabas dahil may inutos pa sa akin yung teacher namin na

kulayan ko daw. Iba kasi pag may creative hands eh, ikaw pinagagawa ng project.Bwisit!

Pagpasok ko sa cafeteria ay agad kong narinig yung parang nahulog na mga plato, napatingin ako sa

Nakita ko yung mga walang modong nagtatawanan doon sa gilid. Nilapitan ko sila.

"Oh! The nerd is here."

Tumingin ako sa kanila, mga bwisit! Nakakairita ang mga pagmumukha!

"Hey." Paunang bati ko sa kanila.

"Makakaalis na kayo sa eskwelahan na ito." Diretso kong sabi.

"Ano naman yung sinsabi mo? Sino ka para paalisin kami?" Sabi nung isa at nakapamewang pa,

tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Guard!" Sigaw ko na lang

"Hindi kailangan ng school na ito ng mga walang modong katulad niyo. Kaya kayo nag-aaral para

matuto, hindi para hasain yang masamang pag-uugali niyo." Nakapamewang kong sabi.

"Hindi ako papayag. Hindi mo kami mapapaalis!" Bulyaw nung isa.

"Whatever! Sayonara!" Sabay talikod ko sa kanya.

"Kung sino man ang magtatakang mambully kay Erisha Magdayo, sisiguraduhin ko na mapapaalis sa

eskwelahan na ito! Naintindihan niyo ba." Sigaw ko, alam naman na siguro nila, na kaya kong gawin

iyon.Nilapitan ko siya at tinulungan na damputin yung mga pagkain niyang tinapon ng mga hukluban

na iyon. Tss. sayang naman, hindi nila alam na kaydaming nagugutom sa Pilipinas kung makatapon ng

pagkain ng may pagkain parang pinaghirapan nila iyon.

Kawawang nilalang, pinagtutulungan ng mga tatlong bruhilda na iyon. Anong laban niya sa mga pangit

na iyon.

"Walang ng mambubully sayo ha, I promise." I said in a assuring tone

Simula noon ay naging magkaibigan na kami. Well siya lang ang naging kaibigan ko, dahil hindi siya

tulad ng iba diyan ng puro yabang, puro satsat, wala namang binatbat. Siya simple lang, saka hindi ko

inakala na matalino din pala siya kaya yun, naging sandigan din namin ang isa't isa, lalo na sa

academics nagtutulungan kami.

Natauhan ako nang marinig ko na nagriring yung phone ko.

"Hello." RêAd lat𝙚St chapters at Novel(D)ra/ma.Org Only

"Nasaan ka na Anikka, nandito na kaming lahat oh! Ikaw na lang ang hinihintay namin." Tila

nabuhayan ako sa sinabi ni Nicole makikita ko na rin si Eris. Dali dali na akong lumabas ng bahay at

umalis.

Agad naman ako nakarating sa Aristocrat, nagtext sa akin si Nicole na nasa VIP room sila, mukhang

special na special talaga ang pagwelcome nila kay Eris a? I guess dapat lang dahil miss na miss na

namin siya at ngayon lang kami muling magkikita.

Agad akong pumasok sa may vip area, hindi nila agad namalayan ang nandito na ako dahil sa lakas ng

tawanan nila, mukhang nagkakatuwaan sila a? Sayang medyo late ako namiss ko iyon.

Agad akong napatingin kay Eris, ang laki laki na ng pinagbago niya, hindi mo aakalain na siya yung

Eris na magulo lagi ang buhok, madungis, di nag-aayos. Ngayon ang ganda ganda niya, she looked so

sophisticated lalo na sa suot niyang red dress na bagay na bagay sa maputi niyang kutis, saka sa

maigsi niyang buhok na bagay na bagay sa kanya. Ayos na ayos na siya ngayon, she moves so fine.

Base sa pagtawa niya ay nakatakip pa ang bibig niya. Ang layo na niya talaga sa Eris na kilala ko

noon, pero wala akong magagawa doon people change and that change to her ay lalong nagpaganda

sa kanya.

"Uy Anikka, nandyan ka na pala." Sabi ni Nicole, siguro ay naramdaman nila na may nakatitig sa

kanila, agad naman akong nilapitan nung dalawa at niyakap, teka parang ako yung balikbayan dito a?

Tapos ay pumunta na kami sa table, ngiti lang yung sinalubong sa akin ni Eris, isang simpleng ngiti

lang, yung hindi labas yung ngipin. Nginitian ko rin naman siya.

Pagkaupo ay niyakap ko rin siya, pero agad din akong kumalas sa kanya dahil hindi niya ako niyakap

pabalik. Hindi niya ba ako namiss?

"Oh! Nagkakatuwaan na pala kayo diyan." Sabi ko na lang para mawala sa isip ko iyon, siguro ay

nahihiya lang talaga siya sa akin.

"Hindi naman Anikka, we are just getting started." Ani ni Yen.

"Alam mo ba engaged na si Anikka!" pagkasabi nun ni Nicole ay aksidentang naibuga ni Eris ang tubig

na kanyang iniinom.

"Oh really." Nakangiting sabi ni Eris, pero ang ngiti na iyon ay hindi totoo.

"Ay oo nga, pagnakita mo lang yun, nakuu napakagwapo."

"Kaya nga laglag panty ni Anikka dun eh." Napadilat ako ng mata, oo nakakalaglag panty ang

kagwapuhan ng Lukas na iyan, pero hindi ibig sabihin nun ay nalaglag na panty ko sa kanya.

"Nicole!" Pag-awat ko, nakakahiyang sabihin pa sa kanya iyon.

"Bakit totoo naman ah." Sabat pa ni Yen.

"Hay nako ewan ko sa inyo."

Napangwi si Eris dahil doon, hindi ko na lang pinansin iyon at nagpokus na lang muna ako sa pagkain,

total wala rin naman akong masasabi sa mga ito.

Bakit siya ganoon, parang hindi siya masaya na nakita ako, parang hindi totoo ang pakikitungo niya sa

akin, nakikipagplastikan kumbaga. Saka bakit ang sama ng tingin niya sa akin noong sinabi ni Nicole

na engaged ako.

Kahit ilang taon kaming nawalay sa isa't isa ay alam ko yung masaya ba siya o malungkot kahit na

malaki na ang pagbabago niya ay natutukoy ko pa rin iyon.

Hindi ko naman masasabi na naiilang siya sa akin, dahil ok naman siya kina Nicole at Yen, pero sa

akin parang ang lamig niya, may hindi siya gusto sa akin na di ko matukoy. Matagal naman kaming

hindi nagkita at walang komunikasyon, imposible naman na may atraso ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero naguguluhan ako sa kanya.

Natauhan ako nang naramdaman ko na nagvibrate yung phone ko.

Lukas: It's already late, do you want me to fetch you.

Ako: Sure :-) Ipapakilala kita kay Eris.

Tuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan, hindi na rin ako masyadong nakikijoin, dahil wala rin naman

akong ikukwento ang dapat ko kasing ikwento na nasabi na ng dalawang asungot.

"Lukas!" Nagulat ako dahil sa sigaw niyang iyon, para siyang batang sabik na sabik. Napalingon ako sa

likuran ko, it was my Lukas.Napalingon din uli ako sa kanya, ngiting ngiting ito, tuwang-tuwasiya na

makita siya. Iba ang mukha niya ngayon, parang nagliwanag ang lahat sa kanya, ang saya saya niya.

Hindi ko nakita ang ganyang ngiti niya kanina. Ibang iba siya ngayon.

At doon naman ako nagtataka. Do they know each other?

Agad kong sinalubong si Lukas at hinalikan siya sa pisngi. Nanlaki ang mata niya kay Eris, para siyang

nakakita ng multo

Hindi ko maiwasan na magtanong sa kanya kung kilala nga niya si Eris.

"Lukas, magkakilala pala kayo?" tanong ko.

"Yes were friends before sa New York." Sabi naman ni Lukas, tama nga ang aking hinala.

"Yeah and we are very very good friends." Sabi ni Eris na pinagdidiinan ang good friends.

Anong meron sa kanila? I can feel it there is something between them na dapat kong malaman.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.